Powered By PinoyXpert | Customized By: PH News Update

Joseph Bitangcol kontrobersiyal Isyu sa loob ng kotse

Monday, July 8, 20130 comments

Nagsalita na ang aktor na si Joseph Bitangcol tungkol sa lumabas na isyu na nakita siyang "walang malay" sa loob ng nakaparada niyang kotse na hinihinalang dahil sa sobrang kalasingan o iligal na droga.

Sa panayam ni Lolit Solis na ipinalabas sa "Startalk TX" nitong Sabado, nilinaw ni Joseph na hindi siya gumagamit ng iligal na droga. Gayunman, inamin nito na nakainom siya ng kaunti nang makitang "natutulog" sa loob ng kanyang kotse.

Paliwanag pa ng aktor, labis na pagod mula sa malayong biyahe at trabaho ang dahilan kaya nakatulog siya sa loob ng kotse sa alanganing lugar.

"Galing ho ako ng biyahe sa Isabela, 'yon mga eight hours drive. Pero before pa nun galing po akong shooting ng indie film so medyo dire-diretso po," kuwento ni Joseph.

"Pero 'yon nga, yung nakita nila kasi...opo medyo nakainom ako dumaan pa ko ng birthday ng friend ko pero sobrang konti lang. Sobrang pagod ho parang nagdecide ako na mag-park dito," patuloy niya.

Ayon pa kay Joseph, balak sana niyang bumili ng tubig kaya tumigil pero nakatulog na siya bago pa man makababa.



Habang natutulog, inakala umano ng aktor na nasa bahay na siya kaya naibaba niya ang kanyang pantalon.

Patuloy pa ni Joseph, batid niya na delikado na ang bumiyahe nang sandaling iyon at naisip din ang kinasangkutang aksidente noong 2011 na kamuntik na niyang ikamatay.

Hindi naman niya ikinaila kay Manay Lolit na nangamba siya na baka may nakakuha sa kanya ng larawan sa sitwasyon niya sa loob ng kotse at maging negatibong isyu sa kanya.

Inusisa rin ni Manay Lolit kung gumagamit siya ng bawal na gamot na mabilis namang itinanggi ng aktor.

Nang magising, sinabi ni Joseph na kaagad na siyang umuwi. Bagaman kaya na umano niyang magmaneho dahil nakapagpahinga na, pumayag na siyang magpahatid sa taong umalalay sa kanya sa lugar.

Itinuturing daw ng aktor na leksiyon ang mga negatibong nangyayari sa kanya at nangakong hindi na muling magkakamali.


Share this article :

Post a Comment

 
Copyright © 2013. PH News Update - All Rights Reserved
Proudly powered by Blogger